Okey naman ang motorcycle lane pero…

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!

Gaya ng nabanggit ko kamakailan, okey naman ang motorcycle lane na inilatag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA, Macapagal Blvd. at Commonwealth Avenue pero sadyang mayroon pa ring pagkukulang ang nasabing ahensya para maiwasan na ang aksidente na kinasasangkutan ng motorycle riders sa nabanggit na mga kalsada.

Ayon sa ulat ng MMDA, nabawasan ang aksidente sa nasabing mga kalsada pero, sa totoo lang, nakakairita na sa tuwing binabagtas mo ang motorcycle lane ay may mga dambuhalang sasakyan ang biglang humarang sa lane ng motorsiklo. Kapag lumabas ka naman ng lane ay huhulihin ka. Paano kung may sasakyan na nasira doon mismo sa motorcycle lane? Paano makakadaan ang mga motorsiklo? Yari na!

Ako mismo, gamit ang aking motorsiklo, dumaan na rin sa EDSA, hindi pa rin panatag ang loob ko na ligtas bumiyahe sa motorcycle lane na iyan dahil nga sa mga sasakyang sumisingit-singit sa lintek na lane na iyan.

Kung nababasa man ng MMDA ang kolum na ito, kung nais mong maging ligtas kaming mga motorcycle riders, ‘wag na kayong magpapadaan sa EDSA, sa Macapagal Avenue at sa Commonwealth Avenue. Para kasing niyuyurakan ninyo ang aming karapatan bilang isang Pilipino na may karapatang bumiyahe sa nasabing mga kalsada.

Sa pagkakataong ito, hinahamon ko si MMDA Chairman Francis Tolentino, subukan mong dumaan sa motorcycle lane na hindi kayo magpakilala, tignan natin kung ‘di mo maranasan ang hirap na nararanasan namin tuwing dumadaan kami sa mga daan na iyan. Baka mauna ka pang tumimbuwang… ‘wag naman po sana.

Gayunman, kung seryoso ang MMDA para sa kaligtasan naming nagmo-motor, gumawa pa sana sila ng alternatibo pang paraan para ‘di sila tuligsain sa anumang hakbang na gagawin nila na walang masagasaan.

Ito ang reaksyon ng PHLRC riders matapos makatanggap ng tanong kahapon ng nakasaad ng ganito:

Sdph Suzuki: sir musta na po­ ­:) ­ ­sir anu po stand ng PHLRC with MC LANE?­ ­

Paalala: Ang PHLRC riders ay hindi nagpapasakop sa Motorcycle Philippines (MCPF), Motorcycle Riders Association (MRA) at Motorcycle Riders Organization (MRO).

Iyon lang… pahingi po ng tubig. Hek!

****

President: Ronnie Terrado
Vice President: Ernesto Padigdig
website: http://phlrc.tripod.com
Like us: http://www.facebook.com/phlrcriders

***

Gusto mo bang sumali sa PHLRC? Mag-text lang sa mga numero sa ibaba.

Requirements:
* Babae o lalaki
* May sariling motor,
* 100cc to 400cc.
* Xerox copy ng OR/CR  at driver’s license
* May trabaho
* 18-50 years old

For more info, mag-text sa numero sa ibaba kung saan lugar ka kabilang.
09184141717
Cavite, Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque, Laguna, Batangas

09359257696
Pasay, Manila

09086055331
Quezon City,  Caloocan, Navotas,
Malabon, Bulacan

09184141717
Rizal, Pasig, Marikina, Taguig

09395109483
Caloocan North, Novaliches
/  Fairview North

09323132075
San Juan City

09085729710
Mandaluyong City

09151023307
Makati City

09334170958
Taguig City

For more info, please visit our website: http://phlrc.tripod.com

NO MEMBERSHIP FEE!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply