‘One man rule’ ni Corona nakakatawa – Palasyo

NAKAKATAWA!

Ito ang deskripsyon ng Malakanyang sa naging akusasyon ni Chief Justice Renato Corona na isang malaking banta sa judicial independence ang “one-man rule” na ipinatutupad ni Pangulong Benigno Aquino III sa bansa.

“The democracy in this country has never been as vibrant as in the last decade,” ayon kay presidential spokesperson Edwin Lacierda.

Idinagdag pa nito na kung ikukumpara ang administrasyong Aquino sa mga nakalipas na administrasyon ay masasabing mas pinahahalagahan ngayon ng pamahalaan ang umiiral na demokrasya.

Kung matatandaan, tinawag na “wimp” at “dictator” si Pangulong Aquino ng kanyang mga kritiko.

“What would be the next, he will be called a wimpy dictator?,” ang balik tanong ng opisyal.

Sa naging talumpati ni Corona sa 17th national convention of the Philippine Women Judges Association, ay sinabi rin nito na ang pamahalaan ngayon ay nahaharap sa “one-man rule” na sitwasyon.

Bukod pa sa mayroon aniyang umiiral na executive action para ugain ang judicial independence at kontrlolin ang umiiral na batas sa bansa na inalmahan naman ng Palasyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply