Operasyon ng NAIA naantala dahil sa power interruption

HALOS umabot sa limang oras na naantala ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 sanhi sa power interruption na isinisisi sa pag-trip off ng Meralco line kaninang madaling araw.

Limang international flights mula sa Cebu Pacific Air, isa sa departure at apat sa arrival, ang nabalam mula ng mawalan ng kuryente ang terminal 3 dakong alas-12:17 ng madaling araw.

Sa kabila ng back-up generators ng Manila International Airport Authority (MIAA), hindi nakayanang suportahan ang airline check in computers, baggage conveyor systems at security scanners.

Sanhi nito, napilitan ang mga kawani ng Cebu Pacific Air na magmano-mano sa pagproseso ng boarding pass ng mga pasahero.

Nagdulot naman ng mahabang pila ng pasahero sa may entrada ng terminal dahil sa mabagal na daloy ng pagpasok ng mga bagahe sa x-ray machines na kadalasang humihina ang power hanggang sa final security check, bago makapasok sa boarding gates sanhi na rin sa mahinang power supply ng generator sets.

Ayon kay terminal 3 manager Octavio Lina, dakong alas-5:00 ng madaling araw ay nanumbalik sa normal na operasyon ang nasabing terminal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply