OPM Queen pa rin… Mga pangako ni La Aunor laging napapako!

NASA Pilipinas na naman si Nora Aunor. Pero ‘di gaya ng dati nang tumigil ang ikot ng showbiz dahil sa kasabikan sa muli niyang pagbabalik, ngayon ay lukewarm ang attitude ng publiko sa kanya. If at all, may mga taong nag-a-alleluyah sa pagbabalik ni Nora Aunor, yun ay ang mga Noranians lang at wala ng iba pa.

Paano naman kasi, siya pa rin yung dating Nora Aunor na sa kabila ng maraming pangakong magbabago na siya, still, walang nangyari.

Aside from fulfilling her contract sa TV5 na “Sa Ngalan Ng Ina” na hindi naman nag-create ng stir (it actually flopped at wala talagang kinita sa kanya ang naturang network which invested a fortune para nga siya makabalik).

Along with other several stories surrounding Nora Aunor, kasama na ‘yung mga false promises, yung absenteeism at iba pang mga dahilan kung bakit siya nawala sa limelight.

Sa kanyang pagbabalik ngayon, talagang lumabo, if at all totoo na muling magiging phenomenal si Nora Aunor.

Sa kanyang pagbabalik, ayan na naman ang mga pangako niya. “Sa lahat ng fans, unang-una, yung aking buong-pusong pasasalamat pa rin at hanggang ngayon ay nandiyan sila. At yung suporta nila, talagang nandiyan pa rin.

“A… humihingi din ako ng paumanhin sa fans dahil may mga ipinangako ako… yung huling punta ko, na hindi ko natupad sa kanila.

“Gusto kong bigyan ng priority yung mga fans ngayon sa pagbabalik ko.

“Sa mga fans na nandiyan pa rin, gusto kong matupad yung pangako ko sa kanila talaga ngayon.

“Kung anuman ‘yon, sila lang ang nakakaalam. Pagka natupad na ‘yon, saka malalaman ng mga tao.”

Yan ay galing mismo sa isang interview ni Nora Aunor. Sana kung mangangako siya, matuto siyang tupdin ito. O kaya gawin niya’ng mga pangakong kadalasa’y napapako.

And truly, Nora Aunor is sounding ding like a broken record sa pagsasabi ng ganyan at ganito. Kumbaga, walang pagbabago, siya pa rin talaga yung lumang Nora Aunor na iniwan ng showbiz dahil sa pagbawawalang-bahala niya.

“Sa lahat ng nangyayaring ito, gusto kong ipaabot sa TV5 yung talagang taos-puso kong pasasalamat, dahil lahat ng aking kahilingan, lahat ng mga dapat kong gawin, talagang suportado po ako.”

Pinasalamatan din ni Nora ang ilang executives ng Kapatid network na aniya’y, “Talagang nandiyan po lahat sila kapag may kailangan ako, suportado. Lahat talaga sila nagugulo dahil sa akin.”

Para sa fans, nagpasalamat din ang Superstar: “Sa lahat ng fans, unang-una, yung aking buong-pusong pasasalamat pa rin at hanggang ngayon ay nandiyan sila. At yung suporta nila, talagang nandiyan pa rin.”

At yung dati niyang kamalian tungkol kay John Rendez ay andiyan pa rin. Sa sobrang pagmamahal yata sa lagi niyang sinasabing friend lang daw niya, (na siyempre mahirap paniwalaang wala silang romantic relation) ilan pa ang mga plano niya tungkol dito, na kesyo gagawan daw ito ng album na kumbaga, nasa prayoridad pa ng aktres kaysa kanyang sarili.

Come to think of it, ang relasyon niya sa John Rendez na ito ang naging daan upang mapalungi at malaos si Nora Aunor. Many will not agree pero yun po ang opinion namin.

Yun ngang dapat ay pagpaopera niya kuning-kuning sa Masachusstes turns out to be a hoax. Istoryang walang-wala kumbaga.

Pinaniwala tayong ganun at ganyan na sa bandang huli, wala naman palang talaga, kumbaga drawing lang. Kesyo may proseso and all, babalik para ma-check-up na muli and so on and so forth, ano ba talaga’ng totoo?

Bago umalis si Guy sa kanyang US trip daming gulong nangyari sa mga taong nakapaligid sa kanya. Di na namin iisa-isahin, kasi mismong yung mga taong nagkagulo ayaw nang umamin, if at all, lagi lang off the record. But in the end, itong mga taong ito na supposedly na natraydor ni Nora Aunor, sila pa’ng nagsasabing patuloy ang friendship nila sa kanya.

Ayan nga, andito na sa Pilipinas si Nora Aunor, daming fresh plans, daming sinasabing kesyo ganun at ganito. Pero matutuloy ba? Hindi kaya mismong si Nora Aunor ang maging balakid para matuloy ang lahat ng magandang plano sa kanya?

Sa ngayon talaga, back to zero ang binansagang nag-iisang Superstar. Wala pang konkreto kung ‘di tiwalang ibimibigay sa kanya ng mga taong gusting magsalba sa kanya. Pero si Nora Aunor, handa nga bang magbago?

***

Rhian Ramos kontrabida sa tunay na buhay

BIDA si Rhian sa “My Kontrabida Girl” ng isang network. Pero sa true, tila mahihirapang maka-score sa takilya ang pelikulang ito with a kontrabida na bida sa pelikula. Iiwasan talaga ito ng mga moviegoers dahil for one, starlet lang naman ang stature ni Rhian na kaya pinag-usapan ay dahil sa abortion scandal niya with Mo Twister. Pangalawa, hindi pa sapat yung sabi, pagpahingahin muna si Rhian at heto nga nagmamadali ang kanyang network na ipalabas na’ng pelikula niyang siya ang bida.

What would you expect na panay ang paglilinis sa kanyang image gayung at this point, hindi pa naka-move on ang publiko sa nangyari sa kanya. Kailan lang ba yun?

Heto pa, ngayon ay ginagamit pa’ng isang negative na personalidad na si Aljur Abrenica nga. Rhian plus Aljur na parehong gusto nang kalimutan ng showbiz, ano kaya’ng resulta ng My Kontrabida Girl?

Devastation sa box-office?

Makabawi naman sana kahit kaunti!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply