Orate Jr. naghamong i-demo ang pagbaril sa ama

HINAMON kaninang umaga ng anak ni Noel Orate Sr. sina dating Quezon City Rep. Nanneth Castelo Daza at ang manugang na si Bulacan Provincial Board Member Allan Robes ang pagkakasa ng re-enactment sa pamamaril sa biktima na naganap sa bahay mismo ni Daza noong nakaraang Pebrero 10.

Ikinasa ni Noel Jr. ang paghahamon sa dating nobya ng ama dahil hindi siya naniniwala na self defense kaya binaril ni Robes ang kanyang ama.

Inamin ni Robes, mister ni QC Councilor Jessica Castelo Daza at manugang ni Nanneth ang pagbaril kay Noel, Sr. na nahaharap sa kasong homicide ng Philippine National Police (PNP).

Hinamon din ni Orate Jr. si Nanneth na dating nobya ng kanyang tatay na

magsalita hinggil sa kaso at huwag lang manahimik sa isang tabi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply