Ordinansa para sa forced evacuation sa panahon ng kalamidad hiniling

PINAKIUSAPAN ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang lahat ng local government units (LGUs) na gumawa ng mga ordinansa na may kaugnayan sa pagpapatupad ng emergency measures gaya ng forced evacuation sa mga lugar na deklaradong mapanganib sa panahon ng kalamidad.

Batay aniya, sa nilalaman ng Section 16 ng Local Government Code na kilala ding General Welfare Clause, partikular na tinawagan ang LGUs na gamitin ang kanilang mga kapangyarihan kung kinakailangan para sa epektibong pamamalakad para sa kaligtasan ng lahat sa kanilang nasasakupan

Ang pagpatupad sa mga ordinansa ay bahagi ng mga alituntunin ng departamento kamakailan upang masiguro ang kaligtasan ng publiko lalo na sa panahon ng kalamidad.

“We can not prevent disasters from happening, but we can do everything within our means to mitigate their adverse effects and prevent the loss of human lives,” ani Robredo, na tumatayo ring vice-chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanyang direktiba sinabi ng kalihim na dapat isama sa mga ipapasang ordinansa ang mga sumusunod: pagpatupad sa forced evacuation ng bawat LGU batay sa rekomendasyon ng Local Disaster Risk Reduction and Management Committee; mga evacuation center; tulong mula sa PNP, AFP, BJMP, BFP, Philippine Coast Guard (PCG).

Nararapat ding isama sa mga ordinansa ang mga pagbawal sa paglalayag ng mga fishing vessel at pangingisda nito sa mga lugar na idineklarang signal number 1 o mahigit pa ang bagyo.

Kabilang din ang pagtatalaga sa mga waiting area para sa mabilis na paglilipat ng mga sasakyan ng gobyerno ng mga residente sa mga evacuation center at pagbabalik sa kanilang mga bahay sakaling matapos ang kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply