Orlando Sol may frontal nudity sa bagong indie film na ‘Mariana’

MASAYA si Sef Cadayona ngayon dahil ‘di siya nawawalan ng assignments sa GMA-7. Tuwang-tuwa siyang mapabilang sa cast ng My Kontrabida Girl na nai-shoot niya pagkatapos ng soap opera na ginawa.

Pero kahit busy siya, ‘di rin siya nawawalan ng intriga tulad na lang ng isyu na nanligaw raw siya kay Michelle Madrigal pero di niya itunuloy kasi baka ma-basted lang daw siya.

Kaya nung presscon ng My Kontrabida Girl, hindi nakaligtas si Sef na sagutin ang issue sa kanya.

Ani Sef: “Naku! ‘di ko puwedeng ligawan si Michelle. Barkada ko yan. Masisira ang friendship. Kaya kaibigan lang kami hanggang ngayon.”

Tungkol sa past love life ni Sef, happy siya sa kalagayan ngayon ni Janna Dominguez na balitang manganganak na ngayon kaya biglang nawala sa Pepito Manaloto.

Ani Sef: “Marami kaming pinagsamahan ni Janna na magaganda kaya iisipin ko na lang iyon. Happy ako sa kanya at sa magiging baby niya!”

Sa My Kontrabaida Girl, maganda ang kanyang role bilang student leader. Comedy ito kaya at ease siya sa role niya dahil natural comedian naman kasi siya.

Di makalilimutan ni Sef sa pelikula nang magkatuwaan sila nina Enzo Pineda, Kevin Santos at Ken Chan na magpakita ng kani-kanilang behind.

Ani Sef: “Exciting ang eksena dahil sa nakatulong ang paghuhubad namin para lalong matawa ang mga manonood.”

000

ISA pa ring actor na tumapang na ngayong maghubad ay si Orlando Sol. Dati’y hanggang behind lang ang kaya niyang gawin. Pero sa latest niyang indie film na Mariana na kinunan pa sa Marinduque ay may underwater scenes siyang walang saplot na lumalangoy na kasama ang kanyang leading lady na si Sue Prado.

Sumikat si Sue sa Munting Herededa bilang kasapakat ng kontrabida na si Neil Ryan Sese pero bago pa napunta sa TV si Sue, kilala na siya sa stage play at mga indie film.

Ani Orlando: “Matapang din sa hubaran si Sue kaya ako rin ay ginanahan. Di ko lang alam kung hindi ma-edit out ang kapangahasan namin na naliligo sa dagat na walang saplot. Tiwala naman ako sa director namin na di ito lalabas na malaswa.

“Sa eksena kasi, ako ay naligo ng hubo’t hubad. Nakita ako ni Sue, sumunod siya sa aking maligo. Kasi may gusto siya sa akin. Ang talagang karelasyon ko ay yung kapatid niyang nasa abroad.”

Natutuwa si Orlando sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng manager niyang si Maryo J. delos Reyes. Bukod sa pagiging regular member ng grupong Masculados Dos na laging may gigs, kasama pa siya sa Biritera bilang band member ni Dennis Trillo.

May three times a week siyang taping sa Biritera. Kapag ganitong may regular soap si Orlando, nabibili niya ang mga kailangan niya sa buhay bukod pa sa nakatutulong siya sa kanyang mga magulang.

Dahil sa soap na Little Star, napalitan niya ng Honda ang kanyang lumang kotse. Ngayon naman ay nag-iipon siya para pang-down sa bibilhing bahay o condo. Gusto niyang may puntahan ang bawat kinikita niya sa showbiz. Hindi naman kasi siya laging bata.

000

SABI ng isang taga-TV5, hanggang tsismis lang daw ang paglipat sa kanila ni Ms. Wilma Galvante. Di naman ito napag-uusapan sa loob mismo ng network. Bagkus, nasabi rin sa amin ng isang dating taga-GMA na naging boss rati si Ms. Wilma na um-attend ng birthday bash ng magaling na executive na ibinigay ng Regal Matriach na si Mother Lily, pagkatapos raw ng term ni Ms. Wilma sa GMA bilang senior vice president for entertainment, magtatayo raw ito ng Academy of Television Arts kung saan makakasama raw nito sina Boy Abunda at Tony Tuviera ng TAPE, Inc at Eat Bulaga kaya nasa entertainment field pa rin siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>