Ospital ng Makati isasara sa Marso 25

SIMULA Marso 25 ay pansamantalang ipasasara ng lokal na pamahalaan ng Makati ang Ospital ng Makati Acute Care Center upang bigyang daan ang pagtatayo ng bagong ospital na may kakayahang magkaloob ng kumpletong serbisyo sa mga pasyente.

Ayon kay Makati City Mayor Junjun Binay, wala namang dapat ipangamba ang mga nakaratay sa naturang pagamutan dahil ginagawa na ng pamunuan ng naturang ospital na nasa Malugay St., Brgy Bel Air na mailipat ang lahat ng pasyente sa Ospital ng Makati sa Bgy. Pembo.

Humingi na rin ng pang-unawa ang alkalde sa mga residente at tiniyak na mas malaki at malawak na benepisyo at mataas na kalidad sa pangangalaga sa kalusugan ang aasahan ng kanilang mamamahay sa oras na matapos na ang konstruksiyon ng bagong ospital.

Ayon naman kay OsMak medical director Dr. Perry Ishmael Peralta, inumpisahan na nila ang unti-unting paglilipat ng mga pasyente sa OsMak-Pembo at lilimitahan ang pagtanggap ng mga pasyente umpisa Marso 5 bago tuluyang ipasara ang pagamutan.

Nakatakda naman ang konstruksyon ng bagong pagamutan sa Abril na may “green features” ang itatayong gusali.  Lalagyan ito ng 300 bed facilities at mga modernong kagamitan, anim na major operating rooms at dalawang minor operating rooms, Emergency Room with Trauma Care at kauna-unahang LGU-managed Cancer Institute.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply