Oust plot vs PNoy pinabulaanan ng PNP

BUO ang kompiyansa ng libong pulis sa buong bansa sa administrasyon ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino III.

Ito ang pagtiyak ng Philippine National Police kasunod ng pagsiwalat ni Sen. Antonio Trillanes sa balitang may nagaganap na recruitment upang pabagsakin si Pangulong Aquino.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., wala ni katiting na dahilan para magkaroon ng movement sa  kanilang hanay, dahil maayos naman silang nakatatanggap ng mga benepisyong ibinibigay sa mga pulis sa pamumuno ni PNP Chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome.

Nilinaw din ni Cruz na wala rin silang na-monitor sa planong kudeta ng militar na una na ring minaliit ni AFP chief of Staff Gen. Jesse Dellosa.

Ito ay kasunod ng pagsiwalat ni Sen. Antonio Trillanes sa recruitment ng mga dating heneral upang pabagsakin ang Aquino administration.

Sa isang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, inihayag ni AFP Spokesman Col Arnulfo Marcelo Burgos na kasalukuyan pa nilang bina-validate ang pahayag ni Trillanes na may ilang retired military officers ang nanghihikayat sa mga aktibong military officers para sa planong pagpapatlsik kay PNoy.

AYON kay  Burgos, kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan kay Sen. Trillanes upang i-validate at hilingin ang pagkakilanlan ng nasabing military officers.

Sa pangungulit ng mga kasapi ng Defense Press Corps kay Burgos, nasabi nitong hindi lamang si Trillanes ang kanilang kinakausap sa kasalukuyan kaugnay sa nasabing isyu.

Magugunitang nitong nakalipas na Linggo sa anniversary ng Presidential Security Group ay inihayag mismo ni President Aquino na may mga taong nagbabalak na siya ay pabagsakin o inyutralisa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply