Out-of-school youth lolobo– Ched

PINANGANGAMBAHAN ngayon ng Higher Education ang paglobo ng mga out-of-school youth dahil sa planong pagtaas ng tuition fee sa pasukan ng mga paaralan.

Dahil dito, hiniling ni Isabela Rep. Rodolfo Albano sa Commission on Higher Education (Ched) na magkaroon ng moratorium sa tuitiuon fee increase sa lahat ng mga kolehiyo, unibersidad at pamantasan sa buong bansa.

Nangangamba si Albano na tumaas ang bilang ng out-of-school youth sa susunod na pasukan kung hindi mapipigilan ang pagtataas ng matrikula.

Iginiit pa ni Albano na kailangan munang konsultahin ang mga estudyante at magulang bago ipatupad ang tuition fee increase.

Matatandaang may plano ang mga private colleges at universities sa bansa na magpatupad ng 10% hanggang 15% na dagdag sa tuition fee.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply