Outstanding student huli sa pagbebenta ng marijuana

ISANG outstanding na mag-aaral na nakatakdang magtapos ang nahuli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga sa Tuguegarao City.

Ayon sa ulat, kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region II ang suspek na si Jessie Antonio, BS Physics student at residente ng Baggao, Cagayan.

Batay sa ulat naaktuhang nagbebenta si Antonio ng pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA sa Barangay Carig, Tuguegarao City.

Nakuha sa suspek ang isang brick ng pinatuyong marijuana.

Nagkasundo naman ang PDEA Region II at Cagayan State University (CSU) na mabigyan ng espesyal na pagsusulit ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng una.

Nabatid na mataas ang marka ni Antonio na isang outstanding student sa nasabing unibersidad.

Hindi naman pinayagang magmartsa ang estudyante para na rin sa kaligtasan nito dahil natukoy na ng PDEA ang supplier ng marijuana nito.

Nabatid sa ulat, na nais matustusan ni Antonio ang kanyang pag-aaral kaya pinasok niya ang iligal na gawain.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Tinutugis na rin ng PDEA ang mga kasamahan ni Antonio na nakatakas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply