OWWA handa sa tensyon sa Korean Peninsula

IKINASA na ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) ang contingency measures para sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea.

Ang naturang hakbang ng gobyerno ay bilang paghahanda sakaling lumala ang tensyon sa Korean Peninsula.

Kasabay nito, pinawi ni OWWA Administrator Carmelita Dimzon ang pangamba ng pamilya ng mga OFW sa nabanggit na bansa dahil nakahanda naman ang pamahalaan kung kailangan na ang paglilikas sa mga maaapektuhang Pinoy.

Sa ngayon ay bumubuo na rin sila ang database ng mga manggagawang Pinoy sa South Korea.

Sinabi pa ni Dimzon na kung magkaroon ng repatriation ay may naghihintay na ring mga training programs ang gobyerno para sa mga OFW.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply