P.2-M patong sa ulo ng killers ng UPLB student

ITINAAS na sa P200,000 ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang reward money para sa sinomang makapagtuturo sa mga suspek na pumatay sa estudyante ng UP Los Baños na si Ray Bernard Peñaranda.

Ani DILG Sec. Jesse Robredo, nagdagdag pa sila ng P100,000 sa naunang P100,000 na sinagot na ni Gov. ER Ejercito para sa agarang ikadarakip ng mga nasa likod ng krimen.

Kahapon ay sinibak na ni PNP chief Gen. Nicanor Bartolome ang ilang opisyal ng Laguna PNP kaugnay sa nasabing pangyayari.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply