P.2M ayuda ni Binay sa pamilya ng OFW na namatay sa Saipan

NAGPAABOT ng ayudang pinansayal  si Vice President Jejomar Binay para sa mga pamilya ng Pinay na namatay sa bansang Saipan.

Itoy matapos na makarating sa impormasyon ni Binay ang pagkamatay ng overseas Filipino worker (OFW) na si Emerita Relata Romero, bartender sa naturang bansa, na natagpuan ang bangkay nito sa isang mall doon.

Ipinatawag ni Binay sa kanyang tanggapan sa Coconut Palace sa Pasay City ang asawa ni Romero na si Eric at ang dalawa nitong anak na sina Erica at Francene upang  personal na iabot ang tulong nito.

Tatanggap ang naulilang pamilya ng biktima ng P200,000 para sa kanyang death benefit at P20,000 para sa funeral expenses.

Maging ang iba pang mga ahensya ng gobyrno ay nagbigay din ng tulong sa naulilang pamilya ng OFW na si Romero. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply