P1.896-T 2012 national budget paubos na – DBM

TINATAYANG siyam na porsiyento na lamang sa P1.896 trillion 2012 national budget ang nasa pangangalaga ng pamahalaan.

Ito ang tiniyak ni Budget and Management (DBM) Sec. Butch Abad na 91 porsiyento na ang naipamahagi sa mga ahensya ng gobyerno kung saan katapusan ng Pebrero, kabuuang P793 billion ang nai-release na ng administrasyon.

Sinabi ng kalihim na bagamat paubos na ang nasabing pondo ay nagpapatunay lamang ito sa commitment ng Pangulong Benigno Aquino III na maipatupad ang mga proyektong kailangan para maiangat ang buhay ng mga mahihirap.

Sa kabilang dako, kumpiyansa naman ang opisyal na sa pamamagitan nito ay hindi mabibitin ang mga proyekto ngayong taon at walang dahilan ang palusot ng mga opisyal.

“The swift pace of our budget releases affirms the Aquino administration’s commitment of ensuring the quick delivery of critical goods and services to the public, particularly the poorest and most marginalized. The releases will enable all government departments and agencies to implement key projects and programs within, or even ahead of their respective schedules for this fiscal year,” ayon sa Kalihim.

Aniya, para sa Personal Services, umabot na sa 99.7 percent o P425 billion mula sa P426.1 billion ang nailabas na; 92.5 percent o katumbas ng P217 billion sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) habang 72.5 percent o P151 billion sa Capital Outlays.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply