P1-M sea shells nakumpiska sa Lapu-Lapu City

NASABAT ng tauhan ng Task Force Kalikasan ang ipupuslit sanang mahigit 25 tonelada ng sea shells na nagkakahalaga ng P1 milyon sa Barangay Suba-basbas sa Lapu-Lapu City.

Ayon sa ulat, walang maipakitang permit ang may-ari ng seas shells nang sitahin ng mga awtoridad.

Una rito, rumoronda ang mga tauhan ng Task Force Kalikasan sa lugar nang mapansin nila ang mga ikinakargang sea shells sa isang 40-foot container van.

Nang inspeksyunin, walang maipakitang dokumento ang nagpakilalang may-ari na si Jan Vincent Ong.

Ang mga nasabat na kargamento ay dadalhin sana sa China.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply