P10 minimum fare sa PUJ isinusulong

MATAPOS ang inaprubahang P0.50 provisional fare hike ng mga pampasaherong jeepney, isinusulong naman ngayon ng grupong Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburbs Drivers Association (Pasang Masda) ang petisyon na itaas sa P10 ang minimum na pasahe sa mga jeepney.
Nabatid na magsasagawa naman ang grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng welga dahil wala naman daw halaga ang P0.50 na taas-pasahe dahil sa laki ng itinaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Magpepetisyon din ang PISTON na itaas na sa P9.00 ang minimum na pasahe sa mga jeepney sa buong bansa.

Ayon naman kay Pasang Masda President Obet Martin, unawain ang kanilang sitwasyon dahil nasasaktan na umano sila sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Dahil dito, umaalma naman ang mga pasahero sa ipinatupad na dagdag-pasahe kung kaya nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pamahalaan na aprubahan na ang hiling nilang pagtataas ng sahod dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Apela pa ng TUCP na ngayon na ang tamang panahon para ibigay ang P90 umento sa sahod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply