P100K inalaan ng NPC sa ikadarakip ng bumaril sa M’cañang reporter

NAGLAAN ng P100,000 pabuya ang National Press Club of the Philippines (NPC) para sa sinumang makapagtuturo sa bumaril sa Malacañang reporter ng Daily Tribune na si Fernan Angeles.

Mahigpit ding kinondena ng NPC ang panibagong kaso ng karahasan laban sa mga mamamahayag.

Kinalampag din ni NPC President Jerry Yap, si Anti-crime Czar Executive Secretary Paquito Ochoa, na pagtuunan ng pansin ang kaso ng mga media killing sa bansa.

Ayon sa NPC, sa ilalim ng Aquino Administrasyon ay may 13 nang kasong naitala ngunit wala pang narerersolba ang mga awtoridad kahit isa.

Nabatid na nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan si Angeles at ito ay kasalukuyan pa rin nasa intensive care unit (ICU) ng Pasig City General Hospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply