P10M alahas, pera nasikwat sa 3 sanglaan

INIIMBESTIGAHAN pa ng pulisya ang pagkakatangay ng hindi nakilalang mga salarin sa mahigit P10 milyon halaga ng alahas at pera nang looban ang tatlong magkakatabing sanglaan sa Camarines Norte.

Nabatid na nangyari ang insidente sa Vinzons Avenue, Daet kung saan hindi muna pinangalanan ang mga sanglaan na hinalang biniktima ng acetylene gang.

Hinala ng pulisya na posibleng dumaan ang mga suspek sa mga imburnal o manhole malapit sa mga sanglaan upang makalabas sa Daet river at doon binutas ang dinding ng mga sanglaan gamit ang acetylene.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply