P10M pambili ng x-ray machine natanggap na ng POC

NATANGGAP na ng Philippine Orthopedic Center (POC) ang P10 milyon piso na gagamiting pambili ng makabagong digital x-ray machine na nagmula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Mismong si PCSO chairperson Margarita Juico ang nag-abot ng tseke kay POC Medical chief Dr. Luisito Maano sa isang simpleng seremonya na ginanap sa tanggapan ng PCSO sa Pasay City noong Marso 15 na dinaluhan din nina POC radiology department chief Dr. Eugene Dy at PCSO Special Projects department manager Jose Bernardo Gochoco, Jr.

Sa kasalukuyan, nagagawang makapagsilbi ng 700 pasyente ang naturang pagamutan na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health na karamihan ay pawang may kapansanang may kaugnayan sa buto at neuromuscular conditions.

Ayon kay Dr. Maano, masyado nang luma ang tatlo nilang x-ray machines na pawang mga analog type kaya nahihirapan silang bumili ng plates na kanilang ginagamit.

Sa pagbili aniya nila ng bagong digital x-ray machine, magiging mabilis, mura, at maitatabi pa ang mga impormasyon sa database ng pasyente.

Sa kasalukuyan aniya, 300 pasyente kada-araw ang nasisilbihan ng kanilang analog x-ray machine kaya tiyak na madadagdagan pa ng 100 sa oras na mabili na nila ang digital machine.

Sinabi naman ni Juico na pinag-aaralan na nilang dagdagan pa ang pondo na ibabahagi sa mga pampublikong pagamutan upang mas marami pang maralitang pasyente ang mabibiyayaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply