P125 nationwide wage increase ibinasura ng Malakanyang

IBINASURA ng Malakanyang ang panukalang P125 nationwide wage increase na kasalukuyang hinihimay ngayon sa Kongreso.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, imposibleng patulan ito ng pamahalaan dahil bukod sa mataas ay hindi ito praktikal.

Aniya, malaking katanungan pa rin kung kakayanin itong ibigay ng mga employer sa buong bansa.

Sa kabilang dako, handa naman si Pangulong Benigno Aquino III na suportahan ang isang wage hike na kakayanin ang inflation at hindi masyadong magpapataas sa presyo ng mga bilihin.

Sa P125 kada araw, nangangahulugan umano ito ng karagdagang P3,250 na babalikatin ng mga employer.

Kung susumahin, aniya ay aabot sa mahigit isang trilyong piso ang kabuuang dagdag sahod ng nasa 38 milyon na manggagawa sa buong bansa.

Ang kabuuang ekonomiya ng bansa ay aabot sa P8.6 milyon hanggang P9 milyon.

Samantala, bahala naman na aniya ang mga employer kung ano ang ibibigay ng mga ito sa kanilang mga empleyado sakaling hindi kayanin ng pakiusap ni Pangulong Aquiino sa kanila (negosyante) na isipin ang kapakanan ng kanilang mga manggagawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply