P125 wage hike hindi praktikal – Malakanyang

HINDI praktikal!

Ito ang reaksyon ng Malakanyang sa panukalang P125 nationwide wage increase sa Kamara.

Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, masyadong mataas ang nasabing hirit ng mga manggagawa at hindi praktikal.

Una, dapat aniyang tinanong muna kung kakayanin ba itong ibigay ng  employers sa buong bansa.

Pangalawa, dagdag pa ni Valte, susuportahan lamang aniya ni Pangulong Aquino ang wage hike kung sisiguraduhing kakayanin ang inflation at hindi masyadong magpapataas sa presyo ng mga bilihin.

Sa P125 kada araw, nangangahulugan aniya ito ng karagdagang P3,250 na babalikatin ng employers.

Aabot sa mahigit isang trilyong piso ang kabuuang dagdag sahod ng nasa 38 million manggagawa sa buong bansa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply