P13-M Mega Lotto jackpot napanalunan na

SOLONG maiuuwi ng isa pang instant milyonaryo ang mahigit P13 milyong pisong jackpot prize sa 6/45 Mega Lotto na binola kagabi (Marso 9) sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Nasapol ng masuwerteng mananaya mula sa Rosario, Pasig City ang kombinasyong 40-39-07-37-29-10 ng Mega Lotto na may kabuuang premyong P13,011,136.20.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, umabot sa mahigit P28 milyong piso ang total sales ng Mega Lotto sa buong kapuluan kung saan mahigit 59,000 mga mananaya ang nabahaginan ng consolation prizes nang makuha nila ang tatlo hanggang limang numero sa lumabas na kombinasyon.

Inaasahan na ni Rojas na anumang araw mula ngayon ay kukubrahin na ng mapalad na mananaya ang kanyang napanalunang salapi sa tanggapan ng PCSO.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply