P1M patong sa killers ng mag-asawang Arcinue

ITINAAS na sa P1 milyon ang reward sa makapagtuturo sa pumaslang sa mag-asawang dating Vice Mayor Ramon Arcinue at Chairwoman Zorahayda Arcinue sa Lingayen, Pangasinan.

Ito ay matapos magbigay ng tig-P10,000 ang lahat ng bokal habang P50,000 naman ang ibibigay ni Vice Governor Ferdinand Calimlim para mabuo ang P200,000 na idadagdag sa pabuya para mabuo ang P1 milyon.

Nauna nang ipinangako ni Gov. Amado Espino Jr ang P500,000, habang P300,000 naman ang ibibigay ng LGU ng Lingayen.

Binaril ang mag-asawang Ramon at Zorahayda Arcinue sa Sampaloc Maynila nang bumisita sa kanilang anak na magtatapos sa University of Sto. Thomas (UST).

Inaalam pa rin hanggang ngayon ang motibo sa krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply