P2-M ari-arian naabo sa Quezon City

AABOT sa P2 milyon halaga ng ari arian ang naabo makaraang tupukin ng apoy ang tatlong bahay sa sunog na naganap sa Project 4, Quezon City kagabi (Marso 4, 2012).

Ayon kay Senior Supt. Bobby Baruelo District Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection Quezon City (BFP-QC) naganap ang sunog dakong 7:00 ng gabi sa Aguinaldo St., Barangay Marilag, Project 4, ng lungsod.

Nabatid sa ulat na tinupok ng apoy ang three-door house na dalawang palapag na inookupa ng isang Josefine Tobias.

Maliban sa bahay, nasunog din ang isang Toyota Vios na nakaparada sa naturang lugar.

Umabot ang sunog sa ika-apat na alarma.

Ganap na naapula ang apoy dakong 8:15 ng gabi at wala naman iniulat na nasugatan o nasawi sa naturang sunog.

Sinisiyasat pa ng arson investigator ang pinagmulan ng naturang sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply