P20.00 palit-puri ng 14-anyos dalagita

BEINTE PESOS ang naging kapalit sa puri ng 14-anyos na dalagita sa Bani, Pangasinan matapos halayin ng kanilang kapitbahay sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Ayon sa report na nakarating sa Camp Crame, ginahasa ang biktima na itinago sa pangalang Amor, ng naarestong suspek na si Robinson Nertio, ng Brgy. Kulayo.

Nabatid na habang nangunguha ng kamatsile si Amor sa kanilang likod bahay nang lapitan ng suspek at inalok ng P20.

Matapos abutin ng biktima ang pera ay agad siyang hinatak ng suspek at dinala sa madamo at kubling lugar saka puwersahang niluray.

Matapos ang insidente ay agad na nagsumbong ang biktima sa awtoridad dahilan para arestuhin ang suspek.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply