P20 ok na sa pulis, MMDA at traffic enforcers

INUTIL ang Land Transporatation Office (LTO), Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at ang mga lokal na pamahalaan  sa pagsugpo sa mga nagmamaneho nang walang lisensiya sa tricycle at mga kolorum.

Palibhasa kasi, small time lang ang mga tricycle kung kaya hindi ito pinapansin ng mga flying squad ng LTO-LTFRB at lokal na pamahalaan at hindi katulad ng mga track na libo ang aregluhan.

Ang dapat na lang sigurong tingnan dito ay ang kapakanan ng mga taong sumasakay ng tricycle lalo na rito sa Metro Manila.

Sinuyod ng Lily’s Files ang Metro Manila at inobserbahan ang mga galaw ng mga tricycle driver at sa pamamagian ng kanilang mga miyembro mismo ay ating natuklasan na bukod sa hindi rehistrado ang kanilang  minamanehong tricycle ay wala pang prangkisa ang mga ito at walang driver’s license ang mga driver.

Bukod pa rito ay ginagawa ring sugalan, tambayan at inuman  ng mga driver ang kanilang pilahan at dito ay masasabi nating inutil ang mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) dahil  kahit nakikita na ng kanilang dalawang mga mata ang nangyayari ay patay malisya lang sila.

Hindi ko malaman kung talagang walang alam o nag bubulag-bulagan lang o kaya naman ay nag tatanga-tangahan lang ang mga pulis na ito. LTO Chief Virginia Torres, LTFRB Chairman James Jacob at ang ating mga lokal na pamahaan , pakibigyan naman ng attention ang problemang ito na madalas na inirereklamo ng ating mga kababayan.

Ang higpit-higpit ng LTO  sa pag bibigay ng mga drivers license pero bakit maraming driver ng tricycle ang walang lisensiya lalo na rito sa Quezon City, Pasig City, Paranaque City at CAMANAVA area.

Sabagay hindi nakapagtataka kung hindi man mabigyang pansin ng mga squad ng LTO ang malalayong lugar. Kung ang Quezon City nga lang  na napakaraming tricycle  ay hindi nakikita ng mga tao  nitong si LTO chief Torres bukod pa sa  ang kanilang tanggapan ay andito rin sa lunsod Quezon.

Ang ikinakatuwiran ng mga taga LTO ay hindi na nila sakop ang mga tricycle dahil kontrolado raw ito ng local na pamahalaan.  Ang tanung ko lang ay  kalian pa nagbigay ng drivers license ang mga lokal na pamahalaan?

Hindi ba LTO lang ang nagbibigay at may karapatang magbigay  ng lisensiya sa mga nag-a-apply ng  drivers license?

Bakit  hindi  sampolan ng LTO na manghuli ng  tricycle kahit sa paligid lang ng kanilang tanggapan para makita nila kung gaano karami ang tricycle drivers na walang lisensiya?

Binabalewala lang ng mga driver na ito ang  pulis, MMDA at traffic enforcers dahil ang katuwiran nila sa halagang P20 lang ay ok na. Sana ay maipakita rin ng mga squad ng LTO  na hindi sila  nakukuha sa P20 na lagay.

Para sa inyong reklamo,  suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09062653394 o kaya ay mag-email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply