P21.6-M para sa special election sa Negros aprub na

APRUB na sa Commission on Election (Comelec) en banc ang P21,669,325 budget para sa gagawing special election sa 5th district ng Negros Occidental, iniwanang bakante ng namayapang si Congressman Ignacio Iggy Arroyo, makaraang mamatay dahil sa sakit habang nagpapagamot sa London.

Ang nasabing halalan ay gagawin sa Hunyo 2, 2012.

Nakapaloob din sa resolusyon ng Comelec ang pagsuspinde sa registration of voters simula Abril 1, 2012 upang mabigyang daan ang pagsasagawa ng special election.

Maaari lamang bumoto ang mga nagparehistro noong Disyembre 2011 na residente ng Binalbagan, Hinigaran, Isabela, La Castellana, Moises Padilla at Himamaylan City na may kabuuang 206,466 bilang batay na rin sa Enero 2012 na rekord ng Comelec.

Isasagawa ang eleksyon ng mano-mano.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply