P23-M smuggled agri products, ukay-ukay nasabat sa Maynila

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P23 milyong halaga ng ismagel na used clothing at agriculture products matapos tangkaing ipuslit sa pantalan ng Maynila.

Sa report, 10 container van ang nasabat kung saan walo ang naka-consign sa EJ Alejandro Import and Export.

Deklarado itong preserved food ngunit nakitang mga sariwang carrots, patatas, dried fish, chicken legs at mga used clothing ang laman nito.

Dalawang container vans naman ang naka-consign sa Merchandise Consumer Resources Unlimited na idineklarang poultry-keeping materials.

Gayunman, natuklasang manholes, bending told, turnbuckles at iba pang hardware ang mga kargamento.

Galing ang 10 container van sa Pakistan, China at Hong Kong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply