P24-M kita ni Corona sa allowances pa lang

NABUKING na umaabot sa P24 million mula sa allowances pa lamang ang natatanggap ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona mula sa pagiging miyembro ng House at Senate Electoral Tribunals at iba pang “chairmanship” nito.

Ani lead defense lawyer at dating Associate Justice Serafin Cuevas, dahil dito ay tiwala sila na malulustan nila sa impeachment court ang kinuwestyong ari-arian ng punong mahistrado.

Sa susunod na linggo ay ang depensa naman ang nakatakdang maghain ng mga testigo at ebidensiya sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban sa punong mahistrado.

Ani Cuevas, sesentro ang kanilang mga ebidensiya sa “sources” ng income ni Corona at ng kanyang pamilya para maidepensa ang kanyang mga ari-arian.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply