P2.6 bilyon bigay ng PhilHealth sa 5.2M pamilya

NAGLAAN ng P2.6 bilyon halaga ng outpatient benefit packaged ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) bilang pagtulong sa 5.2 milyong mahihirap na pamilya sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reductions (NHTSPR) ng pamahalaan.

Iniulat ito kanina ni National Center for Pharmaceutical Access and Management (NCPAM) program director Dr. Virgina Alan sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on trade and commerce sa pamumuno ni Sen. Manny Villar.

“PhilHealth has allotted around P2.6 billion worth of medicines for outpatient benefit package equivalent to P500 per family per year for 5.2 million families under the National Household Targeting System for Poverty Reductions (NHTSPR),” ayon kay Ala matapos ang pagdinig sa panukalang amendahan ang Cheaper Medicines Act.

Sinabi ni Ala na bahagi ito ng programa ng Center upang matiyak na maipatupad ang policy environment at magkaroon ng universal access sa de-kalidad na gamot na layunin ng naturang batas.

“The above item is designed to support the implementation of the Cheaper Medicines Act of 2008,” ayon kay Ala.

Para sa 2011, sinabi ni Ala na ginamit ng Center ang Medicines Access Program (MAP) upang matiyak na may mabibili sa abot kayang halaga ng de-kalidad ng gamot sa mga pasyente partikular ang mahihirap na tinutudla ng administrasyon sa ilalim ng poverty reduction program.

Kabilang sa mga gamot na ipinamamahagi ng Center ang medisina laban sa impeksiyon, diabetes, hypertension, pneumonia at urinary tract infections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply