P2M natangay sa Robinsons mall money changer heist

HINDI bababa sa P2 milyon ang natangay ng mga holdaper sa panloloob sa isang money changer sa loob ng Robinsons Galleria nitong Huwebes (Marso 29).

Ito ang inihayag ng Philippine National Police (PNP) sa kabila ng pagmamatigas ng pamunuan ng Security Bank na sabihin ang tunay na halaga ng pera na nakuha ng mga holdaper.

Samantala, inilabas na ng Quezon City Police District (QCPD) ang computerized facial composite sketch ng dalawa sa anim na suspek sa panghoholdap sa mall.

Sa iprinisintang kopya ng sketch, isa sa mga suspek ay may taas na 5’7″ hanggang 5’8″, nasa 25 – 30 taong gulang, medium built ang pangangatawan, maitim at nakasuot ng light green t-shirt.

Ang isa pang suspek ay may taas namang 5’6″ hanggang 5’7″, 28-30-anyos, medium built, kayumanggi at nakasuot ng puting T-shirt at maong pants.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply