P3.6-M pabahay ipatatayo sa Pilipinas

AMINADO si Vice President Jejomar Binay na umaabot sa P3.6 milyon pabahay ang kailangang maitayo sa Pilipinas para sa mga maralita.

Ayon kay Binay, bagama’t nakapagpatayo na ang pamahalaan ng 400,000 pabahay sa loob ng dalawang taon, hindi ito sapat dahil nadagdagan pa ang problema dahil sa mga naganap na kalamidad dahilan para dumoble ang bilang ng mga nangangailangan ng disenteng bahay.

Ipinagdiinan pa ni Binay na malinaw ang kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III na mabigyan ng pabahay ang mga naging biktima ng mga kalamidad. Gayundin ang pangangailangan na mailikas sa mas ligtas na lugar ang mga informal settler na naniniharahan sa mga delikadong lugar.

Humingi rin ng ayuda si Binay sa mga opisyal ng South Korean government para matugunan ng Pilipinas ang kakulangan sa pabahay.

Tiniyak naman ni Minister Kwon Do-Youp ng Ministry of Land, Transport and Maritime Affairs na ibabahagi nito sa Pilipinas ang mga ginawang patakaran at istratehiya upang ganap na maresolba ang problema sa pabahay ng mga Koreano.

Ayon naman kay Kwon, nakikipag-usap na ang kanilang tanggapan kay Philippine Ambassador to Seoul Luis Cruz upang malaman ang mga pangangailangan ng Pilipinas sa pabahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply