P3.8M cash for work naipamahagi na sa Negros Oriental

NAIPAMAHAGI na ang P3.8 milyon na financial assistance para sa temporaryong trabaho sa mahigit 500 trabahante sa Negros Oriental na naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol kamakailan, sa ulat ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz

Ang 500 worker beneficiaries ang magtatrabaho sa reconstruction at rehabilitation ng infrastructure na na-identify ng local government units (LGUs) sa pamamagitan ng kanilang engineering departments.

Magmumula ang mga ito sa Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad at Guihulngan City na makakatanggap ng tig-P200 na sweldo bawat araw sa loob ng isang buwan.

Sa nasabing pondo, P1.5 milyon ang naka-charge sa DOLE adjustment measures program, ang karagdagang P1.5 milyon mula sa sugar Tripartite Council Fund habang P800,000 naman ang share ng concerned LGUs.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply