P30-M farm-to-market road pinasinayaan sa La Union

PINASINAYAAN na ang Lacong-Lipay Norte farm-to-market road na nagkakahalaga ng mahigit P30 milyon sa San Gabriel, San Fernando City, La, Union kahapon (Marso 16).

Pinangunahan nina Agrarian Reform Secretary Virgilio delos Reyes at Mayor Divins Velasco ang naturang proyekto.

Pinondohan ito ng Agrarian Reform Infrastructure Support Project ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Japan International Corporation Agency (JICA).

Matutulungan ang may 4,674 na mamamayan sa nasabing proyekto dahil magbubukas ito ng oportunidad na magkaroon ng trabaho o pagkakakitaan ang mga residente sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng gobyerno.

Bukod dito, ang proyekto ay magpapabilis at mapapaginhawa sa paglalakbay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply