P315-M ari-arian ng pamilya Marcos isusubasta na

IPINASUSUBASTA na ng pamahalaan ang dalawang ari-arian ni dating pangulong Ferdinand Marcos na nagkakahalaga ng P315.8 milyon.

Ang isusubastang ari-arian ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na mabawi ang sinasabing nakaw na kayamanan ng pamilya Marcos.

Itinakda ang public bidding sa Abril 24 para sa dalawang properties ni Marcos na Prime Real Estate sa Maynila at Northern Mountain Resort City sa Baguio City.

Ang naturang mga lupain ay may kabuuang 7,913 square meters o 85,170 square feet na isinuko ng Marcos crony na si Jose Yao Campos noong 1986 matapos ang EDSA revolution

Sa kabuuan, umaabot na sa P93.4 bilyon ang narerekober ng pamahalaan, habang P405.7 milyon naman ang inaasahan ng gobyerno na makukuha pa ngayong 2012.

Matatandaan na ang pamilya Marcos ay naghari sa bansa mula 1965 hanggang  1986.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply