DAY 34: P34-M lupain ni Mrs. Corona ibinenta sa Manila gov’t

HUMARAP si dating Manila Mayor Lito Atienza Atienza sa Senado upang mapatunayan ng depensa na nagkaroon ng bentahan ng lupain ang Basa Guidote Enterprises Inc. (BGEI) sa Manila City Government.

Nabatid na Hunyo 2001 nang bayaran ng pamahalaang lungsod ng Maynila ng P34,703,800 si Ginang Cristina Corona nang ibenta ang isang lupain ng BGEI.

Ayon kay Atienza, nakilala niya si Cristina bilang stockholder ng Basa-Guidote Enterprise Inc. (BGEI), upang pag-usapan ang pagbenta ng lupain sa Sampaloc, Maynila kung saan sinamahan siya ni Chief Justice Renato Corona.

Lumitaw na si Ginang Corona ang representante ng BGEI, kung saan isinumite nito ang board resolution na siya ang kinatawan ng kumpanya at awtorisado na tumanggap ng pera mula sa lokal na pamahalaang Maynila.

Ang naturang board resolution ay nilagdaan ng corporate secretary na si Asuncion Basa-Roco noong Hunyo 19, 1987 habang noong Marso 26, 2001 naman nilagdaan ang deed of absolute sale sa pagitan ng Manila city government at BGEI, ayon kay Atienza.

Mismong si Cristina ang tumanggap sa nabanggit na pera.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply