P50K pabuya sa magtuturo sa rapist-killer

REWARD na P50,000 ang naghihintay sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng gumahasa at pumatay sa isang 14-anyos na babaeng taga-Los Banos, Laguna.

Iniwan na walang buhay ang biktimang si Rochel Geronda na isang first year high school sa Los Banos National High School na natagpuan noong Miyerkules (Pebrero 29) ng umaga sa isang tambakan ng junk sa Demarces Subdivision, Batong Malake at hanggang ngayon ay blanko pa rin ang mga awtoridad ng munisipyo sa pagkakakilanlan ng salarin kaya’t nagpalabas na ito ng reward money.

Napagkikita umano ang biktima sa may UP Gate at Vega Center na nagtitinda ng Sampaguita noong buhay pa ito.

Ayon kay Councilor Janos Lapis ng Los Banos, ang halagang P50,000 pabuya ay makakatulong upang mapabilis ang pagresolba ng kaso at mag-uudyok sa sinumang nakasaksi na lumabas at magbigay ng pahayag. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply