P5OOM matitipid sa pagsasara ng 10 embahada, konsulado ng bansa

MKATITIPID ang pamahalaan ng P500 milyon sa plano nito na isara ang sampung embahada at konsulado ng Pilipinas sa ibang bansa, ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Batay sa inaprubahang budyet ng DFA para sa taong 2012, P500 milyon ang nakalaan para sa operasyon ng mga isasarang embahada at konsulado.

Tiniyak din ng kagawaran na magpapatuloy ang serbisyo ng pamahalaan sa mga Pilipinong apektado ng isasarang embahada ng Pilipinas sa Koror, Palau; Caracas, Valenzuela; Dublin, Ireland; Stockholm, Sweden; Havana, Cuba; Bucharest, Romania; at Helsinki, Finland, at konsulado sa Barcelona, Spain; Frankfurt, Germany; at Saipan.

Ayon pa kay Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernanez, magtatalaga rin ang pamahalaan ng mga honorary consul sa mga nabanggit na lungsod at bansa upang ayudahan ang mga kababayan.

Ililipat naman sa ibang embahada at konsulado ang 42 na opisyal ng DFA mula sa apektadong embahada at konsulado habang 14 na ambassador at consul-general naman ang matatapos na ang tour of duty.

Ayon pa kay Hernandez, ang pinakamalapit na embahada o konsulado ang sasaklaw sa apektadong misyon upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa mga Pilipino.

Kabilang sa mga ikinonsidera sa pagsasara ng mga embahada at konsulado ay ang pangangailangan upang mas lalo pang magamit ang pondo para sa pangangailangan ng iba pang tanggapan ng Pilipinas na may malaking konsentrasyon ng mga Pinoy partikular na sa Gitnang Silangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply