P6.7M jackpot ng PCSO Lotto 6/42 nakuha na

TATLONG mananaya ang nakasilat sa lumabas na kombinasyon ng 6/42 lotto na binola kagabi (Marso 13) sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine International Convention Center sa Pasay city.

Paghahatian ng tatlong mapalad na lotto bettor ang kabuuang premyong P6,769,872.00 ng 6/42 lotto matapos makuha nila ang lumabas na kombinasyong 20-40-12-4-9-31.

Nananatili namang mailap ang premyo sa Super lotto 6/49 na umabot na sa P45,752,087.60 makaraang wala isa man ang nakakuha sa kombinasyong 29-02-22-33-04-47 na binola rin kagabi.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, natukoy ang lotto outlet na tinayaan ng tatlong maghahati sa premyo ng 6/42 lotto sa Bacoor, Cavite, habang ang isa ay sa  Pagsanjan, Laguna at ang isa ay sa Sucat, Paranaque City.

Idinugtong pa ni Rojas na ang sunod-sunod na pagwawagi ng mga mananaya sa lotto ay patunay lamang na dumarami ang tumatangkilik at nagbabakasakali na maging instant milyonaryo na ang katumbas naman ay higit pang paglobo ng bilang ng mga naghihikahos na mamamayan at mga biktima ng kalamidad na nabibigyan tulong at biyaya ng kanilang ahensiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply