P70K piyansa ni GMA sa graft case

HALAGANG P70,000 ang ibinigay kay dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo makaraang panigan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa siya sa loob ng limang araw sa pamamagitan ng kanyang mga abogado sa loob ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa kanyang kasong graft and corruption.

Ang nasabing kaso ay konektado sa naunsyaming National Broadband Network (NBN)-ZTE deal kung saan sinasabing nakipag-usap ang dating pangulo sa mga opisyal ng kumpanya habang gumugulong ang negosasyon.

Patuloy namang dinidinig ang bail petition nina GMA at dating Maguindanao provincial election supervisor Lintang Bedol kaugnay naman ng kasong pandaraya sa eleksyon.

Itutuloy ang bail hearing sa Martes, Marso 27.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply