P75-wage increase sa NCR iginiit

HINILING ngayon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na magkaroon ng uniform wage hike na P75 hanggang P100 para sa National Capital Region dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Ayon kay TUCP president Atty. Democrito “Kito” Mendoza, damang-dama na ng mahihirap ang pagtaas ng lahat ng bilihin, kasabay sa pagtaas ng presyo ng langis, singil sa kuryente at tubig, bukod pa ang napipintong pagtataas ng pasahe.

Ani Mendoza, ang mga pinakaapektado sa nasabing pagtataas ng presyo ng mga bilihin ay ang mga trabahador sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, at Quezon at mga probisya sa Region 3.

Matatandaang nagpetisyon din noong isang taon si Mendoza sa Departement of Labor and Employment (Dole) Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng wage increase na P75 sa NCR ngunit P22 lamang ang ibinigay sa kanila.

Kung maibibigay ang nasabing wage increase, ang kasalukuyang P426 daily minimum pay ay magiging P501 hanggang P526 na.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply