P7M cash, alahas natangay ng akyat-bahay

MAHIGIT sa P7 milyon halaga ng cash at alahas ang natangay ng mga hinihinalang miyembro ng “Akyat Bahay Gang” mula sa inuupahang unit ng tatlong dayuhang Chinese national na umalis upang mamasyal kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Natuklasan lamang ang pagkalimas ng mga salapi at alahas ng mga biktimang sina Jing Deng Wang, 22, Gina Wang, 46 at Li Kan Wang, 48 nang bumalik na sila sa inuupahang Unit 105 Sentosia Village, Barangay Tambo.

Sa imbestigasyon, alas-7 ng umaga nitong Sabado nang umalis ng bahay ang mga biktima upang mamasyal at tiniyak na nakasarang mabuti ang mga pintuan at bintana ng inuupahang unit.

Pasado alas-5 ng hapon nang bumalik ang mga biktima at nagulat na lamang nang matuklasan ang puwersahang pagbubukas ng pintuan sa likurang bahagi ng tinutuluyang unit na pinagdaanan ng mga suspek papasok sa loob.

Bukod sa P5 milyong cash na nakalagay sa isang drawer sa loob ng silid ng mga biktima, natangay din ng mga suspek ang iba’t ibang uri ng mamahaling alahas kabilang ang diamanteng singsing at dalawang orihinal na rolex watch.

Puspusan naman ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon ng pulisya at inaalam na rin kung nahagip ng nakalagay na close circuit television (CCTV) camera sa naturang lugar ang nangyaring panloloob na magbibigay daan upang makilala ang mga salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply