P8.50 minimum fare sa jeep ipinababalik

IGIGIIT ng isang transport na ibalik sa P8.50 ang minimum na pasahe sa jeep.

Ayon sa grupong Pasang Masda, magmamatyag muna sila sa kalalabasan ng pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ibang fare hike petition sa Marso 8 bago sila magsagawa ng desisyon.

Giit ni Pasang Masda President Obet Martin, kailangang ibalik ang P0.50 na ibinawas noong bumaba ang presyo ng produktong petrolyo.

Dahil ngayong patuloy aniya ang pagtaas ng presyo ng gasolina, dapat nang ibalik sa P8.50 na minimum na pasahe upang makabawi ang mga tsuper at operator.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply