P80 libo pekeng pera kalat pa sa Boracay

LUMALABAS na aabot na sa P80 libong halaga ng pekeng pera ang nakakalat ngayon sa Boracay matapos mahuli ang siyam katao na nabuking sa kanilang modus operandi.

Nakakulong na ang mga suspek na sina Julian Rebulles at anak na si Julian Rebulles, Jr. ng Molo, Iloilo City; Eddie Lubrea, ng Brgy. Odiong, Altavas, Aklan; Joseph Villanueva ng Bacolod City; Jose Marie Laurel ng Bugtong Palay, San Mateo, Rizal; Joseph Escoton ng San Carlos, Negros Occidental; Ernesto Marcelino ng Jalandoni, Iloilo City; Gerry Pilarir ng Sum-ag, Bacolod City at Enrique Lastimo ng Lambunao, Iloilo City.

Nabatid na unang nadakip ang isa sa mga suspek noong Marso 16, 2012 na may dalang 10 piraso ng P1,000 bill na pawang mga peke na siya namang nagnguso sa iba pa niyang kasamahan.

Nakuha sa mga salarin sa isang lodging house sa Caticlan ang P89,000 halaga pa ng pekeng pera na kinabibilangan ng P1,000 at P500 bill.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply