P9.3 M Porsche, ukay-ukay, iba pa nasamsam ng BOC

NASABAT ng Bureau of Customs-Intelligence Division ang isang gamit na Porsche Boxter S, ukay-ukay at PVP products na nagkakahalaga ng P9.3 milyon sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, ang gamit na Porshe Boxter S ay nagkakahalaga ng P4.5 milyon habang ang ukay-ukay ay nagkakahalaga ng P3.3 milyon at ang PVC products ay P1.5 milyon

Nabatid na consignee ng nasabing luxury car ay ang Forerunner Multi-Resources Inc. Dumating sa bansa ang nasabing sasakyan noong Disyembre 2011 sakay ng isang 20-footer container van mula China at naisyuhan ng Alert Order sa paglabag sa EO 156.

Ang 1×40 container van na naglalaman naman ng ukay-ukay na naka-consign kay J.S. Wakayama at isa pang kargamento na naka-consign sa MGM Industry Co., ay galing sa Japan at dumating sa bansa sa pagitan ng Disyembre 2011 at Enero 2012. Ang dalawa ay kapwa naisyuhan ng Alert Orders sa paglabag sa Republic Act 4653.

Sinamsam naman ng BOC ang PVC products, na dumating sa bansa noong Agosto 2011 mula sa China, nang matuklasang inimbento lang ang trading firm nito.

Ipinagbabawal sa bansa ang importasyon ng second hand na sasakyan at damit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply