P90 hirit sa sahod bahala ang NWPC – M’cañang

BAHALA na ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) na i-determina kung kailangan na ngang patulan ang hirit ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na P90.00 umento sa sahod kahit na may isang taon na prohibisyon na magpataw ng dagdag

sa sahod sa government workers.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, sa kanyang pagkakaalam ay hanggang Mayo 26 pa hindi maaaring mag-entertain ang NWPC ng petisyon na umento sa sahod.

“From what I understand, also from reports the petition was tabled because, first, of the one-year prohibition from the last increase; and, second, they…it’s not been junked but they want to study it I think more thoroughly when the ban is lifted. So we leave it… It is something that we will leave to the wage boards to determine,” ayon kay Usec. Valte.

Nauna rito, pormal nang naghain ng petisyon para sa P90 kada araw na umento sa sahod ang TUCP.

Ang katwiran ng TUCP, bukod sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, sunud-sunod din ang pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ngunit, sinabi ng National Wages and Productivity Board na  wala pang isang taon mula nang ipatupad ang huling wage order at kailangan munang pag-usapan kung mayroon nang
“supervening conditions” o sitwasyon na dahilan para maagang buksan ang usapin sa umento.

Iginiit naman ng mga employer na hindi napapanahon ang umento dahil maging sila ay hirap din sa pagtaas ng presyo ng bilihin at petrolyo.

“Wrong timing. Ordinary workers affected, eh ang kumpanya ganoon din eh,” sabi ni Atty. Alberto Quimpo ng Employers Confederation of the Philippines.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply