P90 wage hike hirit ng Central Visayas

KASUNOD ng pagbibigay ng probational increase sa pasahe sa mga jeepney ay humihirit na rin ng karagdagang sahod ang mga manggagawa sa Central Visayas.

Ayon kay Ferdinand Jumapao, membership director ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP, inihain na nila sa  Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang kahilingang P90 kada araw na umento sa sahod ng mga manggagawa sa rehiyon.

Aniya, napakaliit ang huling pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa nasabing rehiyon noong September 22, 2011 na P20 kada araw kumpara naman sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, LPG at  pangunahing bilihin.

Umaasa si Jumapao na maaaprubahan ang kanilang kahilingan dahil sa pagkakaroon ng matibay na supervening event bilang suporta para maitaas ang kanilang arawang sahod.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply