P90 wage increase ibinasura ng NWPC

IBINASURA na ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang P90 wage increase na hinihingi ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP)

Katwiran ng NWPC, wala pang dahilan para itaas muli ang sahod ng mga manggagawa at wala rin anilang supervening event para mapagbigyan ang hiling ng TUCP.

Binigyang diin ng NWPC na hindi nila maaaring aksyunan ang isang wage hike petition hangga’t hindi natatapos ang isang taon matapos ipatupad ang huling dagdag-sahod.

Nauna rito, kinondena ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang pahayag ng Ibon Foundation hinggil sa panukalang P125 across the board wage hike.

Nagpahayag ang naturang local research group na kayang-kayang ibigay ng mga employer ang panukalang P125 across the board wage increase sa halos apat na milyong empleyado sa buong bansa.

Nilinaw ni ECOP president Ed Lacson, na kung pagbibigyan ang naturang hirit ay malamang na mawalan ng trabaho ang libu-libong manggagawa sa buong bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply