P90 wage increase isusulong sa DOLE

IHAHAIN ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa National Capitol Region (NCR), Calabarzon at Region 3 ang petisyong karagdagang P90 sa daily minimum wage ng mga manggagawa.

Ayon kay TUPC advocacy Alan Tanjusay, sunud-sunod ang pagtaas ng mga presyo ng mga produktong petrolyo, nakaamba ang pagtaas ng pamasahe at tuition fees at maging ng basic commodities sa bansa kaya kailangang makaagapay ang sweldo ng mga manggagawa.

Ani Tanjusay, kulang na kulang ang kasalukuyang minimum wage na tinatanggap ng mga manggagawa na P426 bawat araw o P12,780 kada buwan.

Gayunman, tutol ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa nasabing petisyon.

Anila, hindi basehan ang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo para maging basehan ng pagtataas ng sahod ng mga manggagawa.

Ayon kay ECOP President Edgardo Lacson, 4% lamang ang inflation rate sa Pilipinas at napakaliit nito para pagbasehan ng pagtataas ng sahod.

Ani Lacson, naging ‘habit’ na ng labor groups ang petisyon sa pagtataas ng sweldo at nakakainis na ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply